^

Probinsiya

Ari ng anak kinagat ng 'nabaliw' na ama

-
SAN FERNANDO CITY, La Union – Isang limang taong gulang na batang lalaki ang iniulat na halos maputol ang maselang bahagi ng katawan makaraang kagatin ng sariling ama na umano’y nasiraan ng bait sa Brgy. Lomboy, Sto. Tomas ng naturang lugar kamakalawa.

Ang biktima na kasalukuyang inoobserbahan sa Baguio General Hospital ay nakilalang si Mark Anthony Fernandez, 5-anyos.

Ang biktima ay sinampahan ng inang si Perlita na dumulog sa himpilan ng pulisya upang ireklamo ang suspek na si Florentino Fernandez ng nabanggit na barangay.

Nabatid sa impormasyong nakalap ng pulisya sa mga kapitbahay ng pamilya Fernandez, bago naganap ang pangyayari ay namataan ng mga kapitbahay ang suspek na ama na may ibang ikinikilos.

Nakalipas ang ilang oras ay nakarinig ng malakas na sigaw mula sa loob ng bahay ng pamilya Fernandez at nang puntahan ng mga kapitbahay upang sumaklolo ay nakita nilang duguan ang biktima sa maselang bahagi ng katawan. (Ulat ni Myds Supnad)

vuukle comment

BAGUIO GENERAL HOSPITAL

BRGY

FERNANDEZ

FLORENTINO FERNANDEZ

ISANG

LA UNION

MARK ANTHONY FERNANDEZ

MYDS SUPNAD

NABATID

NAKALIPAS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with