^

Probinsiya

3 NPA rebels nalambat sa bahay ng kagawad

-
Tatlong kalalakihan na pinaniniwalaang mga miyembro ng rebeldeng New People’s Army (NPA) ang iniulat na nasakote ng tropa ng militar sa isinagawang biglaang pagsalakay sa bahay ng isang opisyal ng barangay sa Brgy. Alegre, Sebate, Antique kamakalawa.

Kinialala ng militar ang mga nalambat na NPA rebels na sina Ronny Gregorio, alyas Ka Ruben; Romeo Obreque Estolloso, alyas Bais/Wais at Dadjie Telano Nabas, alyas Ka Gerald.

Sa nakarating na ulat mula sa Camp Aguinaldo, Sinalakay ng mga elemento ng 3rd Infantry Battalion (IB) sa pamumuno ni 2nd Lt. Noriega ang bahay ng isang brgy. kagawad sa nabanggit na lugar dakong alas-4:15 ng hapon.

Dahil sa may nakalap na impormasyon ang militar na taga-suporta ng mga rebelde ang hindi ibinunyag na pangalan ng brgy. kagawad ay isinailalim ito sa pagtitiktik kaya nalambat ang tatlong NPA.

Nakumpiska mula sa mga rebelde ang tatlong malalakas na armas at kasalukuyang sumasailalim sa tactical interrogation. (Ulat ni Joy Cantos)

vuukle comment

ALEGRE

CAMP AGUINALDO

DADJIE TELANO NABAS

INFANTRY BATTALION

JOY CANTOS

KA GERALD

KA RUBEN

NEW PEOPLE

ROMEO OBREQUE ESTOLLOSO

RONNY GREGORIO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with