^

Probinsiya

Plane crashed: 2 kritikal

-
Dalawang katao ang iniulat na malubhang nasugatan kabilang ang isang piloto makaraang aksidenteng bumagsak ang isang pribadong eroplano sa isang maputik na lugar sa Calatrava, Negros Occidental kamakalawa.

Kinilala ang mga nasugatang biktima na sina Capt. Zaldy Peñalosa, piloto ng private aircraft at ang pasaherong si Mr. Green Ford Balo, mekaniko.

Ang dalawa ay nagtamo ng mga sugat sa noo, kamay at iba pang bahagi ng katawan at mabilis na isinugod ng mga nagrespondeng rescue team sa San Carlos City Hospital para sa karampatang lunas.

Batay sa ulat na nakarating kahapon sa Camp Aguinaldo, dakong alas-9:30 ng umaga nang aksidenteng bumagsak ang private airstripe sa maputik na bahagi ng bisinidad ng Brgy. Refugio, Calatrava, Negros Occidental.

Ang nasabing aircraft na may numerong RP-C 1708 ay pag-aari ng negosyanteng si Mr. Ricardo Yanson ng Bacolod City.

Ayon sa inisyal na imbestigasyon, kasalukuyang maglalanding ang aircraft nang sumablay at sumalpok sa marker at tuluy-tuloy na bumulusok sa putikan sanhi upang masugatan ang dalawang lulan nito. (Ulat ni Joy Cantos)

AYON

BACOLOD CITY

CALATRAVA

CAMP AGUINALDO

JOY CANTOS

MR. GREEN FORD BALO

MR. RICARDO YANSON

NEGROS OCCIDENTAL

SAN CARLOS CITY HOSPITAL

ZALDY PE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with