Sa isang en banc resolution, pinawalang bisa rin ng Comelec ang proklamasyon ni Vice Mayor Venancio Mata Jr. at walong konsehal na sina Gildo Villorente Sr.,Ting Musa, Benedicto Ruiz, Ananias Emnace, Vauebar Alegado, Amelito Arnold Cariño, Saturnino Bag Sr. at Federico Tangan Jr. na pawang nasa partido ng Lakas-NUCD.
Ipinalabas ng Comelec ang kautusan matapos dinggin ang petisyon ni dating Mayor Flora Lapaz Benzonan ng National Peoples Coalition.
Nakasaad sa petisyon ni Benzonan na may ginawa umanong iregularidad ang Glan municipal board of canvassers sa pangunguna umano ni local election officer Alim.
Nag-walked out at hindi na umano nagsibalikan ang mga miyembro ng board of canvassers sa kalagitnaan ng canvassing matapos ang isang tensyon sa dalawang magkalabang partido.
Hindi pa umano natatapos ang bilangan ay dagliang iprinoklama ni provincial election officer Atty. Michael Abas ang mga nanalong kandidato. (Ulat ni Boyet Jubelag)