Umiiyak pa ng dakpin ng mga awtoridad ang suspek na kinilalang si Ben Abdulla, 14, na umanoy nabigla lamang sanhi ng sobrang galit sa biktima.
Kinilala ang biktima na ngayon ay nasa kritikal na kondisyon sa pinagdalhan ritong pagamutan na si Taming Isaac, 20, matapos magtamo ng mga tama ng bala sa ibat ibang bahagi ng katawan.
Sa report na nakarating kahapon sa Camp Crame, bandang alas-9:25 ng umaga nang magkainitan ang grupo ng biktima at ng suspek na nagkasagutan dahilan sa paglalaro ng mga ito ng volleyball.
Galit na galit na umuwi ang suspek sa kanilang bahay matapos ipahiya ng biktima at batukan sa harapan ng kaniyang barkada.
Pagkalipas lamang ng ilang minuto ay nagbalik ang suspek na may dalang cal. 38 revolver at pinagbabaril ang biktima. (Ulat ni Joy Cantos)