^

Probinsiya

14-anyos binatukan ng kalaro, namaril

-
Bagsak sa kalaboso ang isang 14-anyos na binatilyo matapos nitong pagbabarilin ang isang binata na kanyang nakaaway dahilan lamang sa mainitang pagtatalo sa larong volleyball sa Busbus, Jolo, Sulu kamakalawa.

Umiiyak pa ng dakpin ng mga awtoridad ang suspek na kinilalang si Ben Abdulla, 14, na umano’y nabigla lamang sanhi ng sobrang galit sa biktima.

Kinilala ang biktima na ngayon ay nasa kritikal na kondisyon sa pinagdalhan ritong pagamutan na si Taming Isaac, 20, matapos magtamo ng mga tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Sa report na nakarating kahapon sa Camp Crame, bandang alas-9:25 ng umaga nang magkainitan ang grupo ng biktima at ng suspek na nagkasagutan dahilan sa paglalaro ng mga ito ng volleyball.

Galit na galit na umuwi ang suspek sa kanilang bahay matapos ipahiya ng biktima at batukan sa harapan ng kaniyang barkada.

Pagkalipas lamang ng ilang minuto ay nagbalik ang suspek na may dalang cal. 38 revolver at pinagbabaril ang biktima. (Ulat ni Joy Cantos)

vuukle comment

BAGSAK

BEN ABDULLA

BUSBUS

CAMP CRAME

GALIT

JOLO

JOY CANTOS

KINILALA

PAGKALIPAS

TAMING ISAAC

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with