Sinampahan na ng kasong serious physical injuries at attempted homicide ang mga suspek na sina Joselito Torreliza, 22, ng Project 4, Quezon City; Oliver Cumilog, 21, ng Yale St., Cubao, Quezon City; at si Jason Cruz, 23, ng Town and Country Subdivision, Brgy. Mayamot, ng lungsod na ito, at pawang mga mag-aaral ng Technological Institute of the Phils. (TIP).
Kinilala naman ng pulisya ang mag-amang biktimang sina Retired Chief Supt. Leopoldo Morente, ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) at anak niyang si P/Insp. Ethel Jane Morante, kasalukuyang jailwarden ng Antipolo City Jail.
Sa ulat ng pulisya, binabagtas umano ng mag-ama kasama ang isang Rey Ferrolino sakay ng isang taxi ang kahabaan ng Marcos Highway patungong Cogeo dakong ala-1 ng madaling-araw ng isang plastic cup na may lamang softdrinks ang biglang ibinato sa windshield.
Naging sanhi ito upang mataranta at mawalan ng kontrol. Dito galit na inutusan ng matandang Morante ang driver na balikan ang grupong nakaistambay at kanyang binaba upang pagsabihan.
Subalit nasalubong ng mga suspek ang matanda saka ginulpi kasama ang anak na babae.
Ayon pa sa ulat, natigil na lamang ang panggugulpi sa mag-ama nang bumaba na ang kasama ng mga biktima at magpaulan ng bato. (Ulat ni Danilo Garcia)