Amain na pumugot sa anak, patay sa pulis
December 11, 2001 | 12:00am
ATIMONAN, Quezon Isang 3-anyos na batang lalaki ang pinugutan at napatay ng kanyang amain habang napatay din ang suspek nang manlaban sa mga negrespondeng pulis kamakalawa ng umaga sa Barangay Sapaan sa bayang ito.
Kinilala ni P/Supt. Eduardo Samoco, chief of police sa bayang ito ang biktimang si Joseph Lalonga, samantalang ang amain ay nakilalang si Salvador Villaluz, 38, tubong Alaminos, Pangasinan at residente ng nasabing Barangay.
Sa imbestigasyon ni SPO1 Godofredo Paterno, may hawak ng kaso, dakong alas-4 ng umaga, nakatanggap ng impormasyon ang pulisya tungkol sa naganap na krimen.
Kaagad na nagtungo sa binanggit na lugar sina SPO1 Bernie Altez at PO3 Leonardo Parafina at naabutan pa nilang nakahandusay sa sahig ng bahay ang bata at naliligo sa sariling dugo.
Namataan ng dalawang pulis ang suspek na may hawak pang gulok na sa halip na sumuko ay tinaga pa nito si SPO1 Altez na nakailag naman.
Dahil dito ay napilitang barilin ng pulis ang suspek na tinamaan sa katawan.
Magkasabay na isinugod sa Doña Marta Hospital ang suspek subalit sa daan pa lamang ay nalagutan na ito ng hininga.
May palagay ang pulisya na nasiraan ng bait ang suspek kaya nagawa nitong pugutan ang bata. (Ulat ni Tony Sandoval)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest