Lolo tinusok sa mata, natodas

QUEZON, Nueva Ecija – Tinusok sa mata hanggang sa mamatay ang isang 56-anyos na lolo ng dalawang hindi kilalang lalaki habang ang biktima ay natutulog sa kanilang bahay sa Brgy. Bertese ng bayang ito kahapon ng madaling-araw.

Kinilala ni P/Chief Insp. Magno Mamangon, Jr. ang biktima na si Francisco "Ciso" dela Cruz, may asawa ng Purok 6, samantala ang dalawang salarin ay mabilis na tumakas matapos ang krimen.

Nabatid sa ulat ni Mamangon na pinasok ng mga kriminal ang loob ng bahay ng biktima na kasalukuyang natutulog sa kanyang kuwarto bandang alas-3 ng madaling-araw.

Sa pagsisiyasat ng pulisya, hindi ginalaw ang iba pang kasambahay ng biktima na natutulog din sa kanilang kuwarto. (Christian Ryan Sta. Ana)

Show comments