Pagsakop ni Nur sa Jolo at Zamboanga nadiskubre
December 4, 2001 | 12:00am
Ibinulgar kahapon ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na ang serye ng pag-atake ng mga renegade forces na loyalista ni outgoing Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM) Nur Misuari ay bahagi ng planong sakupin ang Jolo at Zamboanga bilang hudyat ng ikalawang rebolusyon sa rehiyon ng Mindanao.
Gayunman, ayon kay AFP Spokesman, Brig. Gen. Edilberto Adan, napigilan ito ng tropang militar kasunod ng pagkakadiskubre sa malaking imbakan ng armas at mga eksplosibo sa Cabatangan Complex sa Zamboanga City kamakailan.
Sinabi ni Adan na ang pagkakasamsam ng militar sa may dalawang-daang malalakas na uri ng eksplosibo ay nangangahulugang di lamang idepensa ang Cabatangan Complex kundi magsasagawa pa ng pananabotahe at terorismo.
Kasabay nito, ayon kay Adan, isa ring sulat para sa isa sa 20 ni-recruit ni Misuari ang kanilang nasamsam na nagsasaad ng panghihikayat ni Misuari na sumapi sa rebelyon kapalit ng kabayarang P20,000.
Base sa imbestigasyon ng mga eksperto sa militar at pulisya, may plano rin ang nagrebelyong grupo ni Misuari na kubkubin ang headquarters ng AFP Southcom sa Camp Calarian, Zamboanga City at maging ang Edwin Andrew Airbase na siyang himpilan ng Phil. Air Force (PAF) sa nasabing lungsod.
Napag-alaman pa na ipinarating ng isang ni-recruit ng grupo ni Misuari kay Zamboanga City Mayor Maria Clara Lobregat na pinilit umano siya ng grupo na sumama sa kanilang paglulunsad ng rebelyon laban sa pamahalaan kung hindi ay papatayin sila ng mga ito.
Inatasan rin umano ang naturang mga recruits na magtanim ng bomba sa mga eskuwelahan at paaralan ng Zamboanga maliban pa sa pagsakop sa AFP Southcom at Andrew Air Base. (Ulat ni Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended