Iniwan ng nobyo, empleyada nagbigti

BACOOR, Cavite – Isang problemadong empleyada ng Rojona restaurant na iniwan ng kanyang nobyo ang iniulat na nag-suicide sa pamamagitan ng pagbibigti sa inuupahang apartment sa Luzville subd., Brgy. Real 2 ng bayang ito kamakalawa.

Ang biktima na nag-iwan pa ng suicide note ay nakilalang si Jennifer Concepcion, 21, dalaga, ng naturang lugar.

Napag-alaman sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, ang biktima ay nagpakamatay sa mismong birthday nito bandang alas-10 ng gabi na pinalalagay na hindi sumipot ang nobyo na inimbitahan. (Ulat ni Cristina Go-Timbang)

Show comments