^

Probinsiya

Ama suspek sa pagmasaker sa pamilya

-
BAYOMBONG, Nueva Vizcaya – May posibilidad na sariling ama ang nagmasaker sa kanyang sariling pamilya sa bulubunduking sakop ng Sitio Cabuluan sa bayan ng Villaverde kamakalawa (Dis. 1).

Ito ngayon ang masusing sinisilip ng pulisya sa malagim na krimeng naganap sa pamilya Calonge na ikinasawi nina Rosita Calonge, 35 at anak nitong sina Dony Rose, 9 at Kimberly, 7-anyos na natagpuan ng mga awtoridad bandang alas-4 ng madaling araw sa loob ng kanilang bahay na animo’y kinatay na baboy.

Nabatid sa ulat ng pulisya, si Melody, 11, na natagpuang tadtad ng saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan ay nilalapatan ng lunas sa Veterans Regional Hospital kasama ang kanyang amang si Dionisio Calonge, 37, na nagtamo naman ng ilang hiwa sa leeg at sikmura na ayon sa mga imbestigador ay self-inflicted.

Natagpuan din ng mga tauhan ni P/Insp. Ric Rosario, Villaverde police chief, ang ginamit sa krimen na duguang itak at patalim.

Napag-alaman kay Cabuluan village chief Benito Dung-ao na ang suspek na ama ay malimit mamataang naglalakad ng wala sa sarili at bago pa mangyari ang masaker ay pinagmamalaki pa nitong kayang-kaya niyang patayin ang sariling pamilya.

Naunang kumalat ang balita kahapon na may mga hindi kilalang kalalakihan ang pumatay sa pamilya Calonge subalit lumalabas sa inisyal na pagsisiyasat ng pulisya na si Dionisio ang pangunahing suspek.

Ayon pa kay P/Insp. Rosario na inililigaw lamang ni Dionisio ang imbestigasyon upang hindi masangkot sa naganap na masaker. (Ulat ni Charlie Lagasca)

vuukle comment

BENITO DUNG

CALONGE

CHARLIE LAGASCA

DIONISIO

DIONISIO CALONGE

DONY ROSE

NUEVA VIZCAYA

RIC ROSARIO

ROSITA CALONGE

SITIO CABULUAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with