Base sa ulat mula sa Kampo Simeon Ola, unang naganap ang panununog bandang alas-12:10 ng tanghali makaraang harangin at pababain ang mga pasahero ng aircon bus (DVA-847) mula sa bayan ng Pio Duran patungong Maynila.
Nabatid pa na naglagay ng checkpoint ang mga rebelde may 500 metro ang layo mula sa nasusunog na bus upang walang makapasok na sasakyan.
Wala namang iniulat na nasugatang pasahero kabilang na ang driver na si Jose Agravante.
Ikawalang pangyayari naman ay naganap bandang ala-1:40 ng hapon sa Brgy. Lajong sa St. Magdalena makaraang harangin din ng mga rebeldeng NPA ang aircon bus na may body no. 743 na minamaneho ni Bonifacio Feroleno.
Ayon sa impormasyong nakalap ng pulisya mula sa mga pasahero na matapos sunugin ang dalawang aircon bus ay nagsitakas ang mga rebelde sa direksyong Brgy. Manar, Casiguran.
Sa ulat na nakalap ng pulisya, marami pa umanong pampasaherong bus na pag-aari ng Philtranco ang susunugin ng mga rebelde kapag nagmatigas na hindi magbigay ang pamunuan ng revolutionary tax. (Ulat ni Ed Casulla)