^

Probinsiya

2 aircon bus sinunog ng NPA rebels

-
KAMPO SIMEON OLA — Dahil umano sa patuloy na pagtangging magbigay ng revolutionary tax ay dalawang pampasaherong aircon bus na naman na pag-aari ng Philtranco ang iniulat na sinunog ng mga rebeldeng New People’s Army sa magkahiwalay na lugar kamakalawa ng hapon sa Brgy. Lajong, St. Magdalena, Sorsogon at Sitio Parangkal, Brgy. Aliang, Ligao City.

Base sa ulat mula sa Kampo Simeon Ola, unang naganap ang panununog bandang alas-12:10 ng tanghali makaraang harangin at pababain ang mga pasahero ng aircon bus (DVA-847) mula sa bayan ng Pio Duran patungong Maynila.

Nabatid pa na naglagay ng checkpoint ang mga rebelde may 500 metro ang layo mula sa nasusunog na bus upang walang makapasok na sasakyan.

Wala namang iniulat na nasugatang pasahero kabilang na ang driver na si Jose Agravante.

Ikawalang pangyayari naman ay naganap bandang ala-1:40 ng hapon sa Brgy. Lajong sa St. Magdalena makaraang harangin din ng mga rebeldeng NPA ang aircon bus na may body no. 743 na minamaneho ni Bonifacio Feroleno.

Ayon sa impormasyong nakalap ng pulisya mula sa mga pasahero na matapos sunugin ang dalawang aircon bus ay nagsitakas ang mga rebelde sa direksyong Brgy. Manar, Casiguran.

Sa ulat na nakalap ng pulisya, marami pa umanong pampasaherong bus na pag-aari ng Philtranco ang susunugin ng mga rebelde kapag nagmatigas na hindi magbigay ang pamunuan ng revolutionary tax. (Ulat ni Ed Casulla)

BONIFACIO FEROLENO

BRGY

ED CASULLA

JOSE AGRAVANTE

KAMPO SIMEON OLA

LAJONG

LIGAO CITY

NEW PEOPLE

ST. MAGDALENA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with