Ito ang naging pahayag ni Justice Secretary Hernando Perez nang makapanayam ng mga mamamahayag sa Baguio City Public Market nang ito ay makasalubong habang namimili.
Sinabi ni Perez na muli siyang itatalaga ni Presidente Gloria Macapagal-Arroyo bilang kalihim ng Department of Justice (DOJ) dahilan sa may tiwala ito sa kanyang kakayahan na patakbuhin ang departamento.
Batid niyang maraming haharang sa kanyang appointment sa CA matapos na maglabasan ang ibat ibang kontrobersiya na pilit na isinasangkot ang kanyang pangalan sa kabila na wala siyang kinalaman.
"I know for a fact that the President has full trust and confidence on me and in return, I will serve the people at the pleasure of the President," pagbibigay diin ni Perez na nagpamalas na walang kakaba-kaba.
Ilan sa mga isyu na ibinabato kay Perez ng CA ay ang akusasyon sa kanya ni Senator Lacson na mayroon itong itinatagong multi-milyong dollar account sa ibayong dagat.
Ang naturang account umano ay nanggaling kay Manila Representative Mark Jimenez upang magpatuloy itong manirahan sa bansa at mapigilan ang pagpapatupad ng extradition dito pabalik ng Estados Unidos. (Ulat ni Rudy Andal)