Ex-army arestado sa droga

LOPEZ, Quezon – Dinakip ng pinagsanib na elemento ng Quezon PNP Intelligence Division sa bayang ito ang isang dating kagawad ng Philippine Army matapos na ito ay makumpiskahan ng ilang gramo ng shabu nang magsagawa ng raid sa Barangay Bebito kamakalawa.

Kinilala ni Chief Inspector Cesar Santander ang suspek na si Aniceto Moreno, 39, may-asawa ng nasabing lugar.

Base sa ulat ng pulisya, isinagawa ang pagsalakay dakong alas-3:00 ng hapon sa bahay ng suspek makaraang magpalabas ng search warrant si Judge Manuel Salumbides ng Lopez MTC.

Nasamsam buhat sa pag-iingat ng ex-army ang di pa mabilang na dami ng shabu at mga drug paraphernalia. Binanggit din sa ulat na matagal nang minamanmanan ang suspek dahil sa illegal nitong trabaho. (Ulat ni Tony Sandoval)

Show comments