Sa isinumiteng ulat kahapon sa National Disaster Coordinating Council (NDCC), ang nasabing bilang ng mga evacuees ay kasalukuyang kinakanlong ngayon sa 12 evacuation centers na itinalaga sa lungsod ng Zamboanga.
Napag-alaman na sa Brgy. Kalarian evacuation center ay mayroong 348 evacuees, 350 namang pamilya sa Brgy. Sta. Maria, 30 sa Brgy. Pasonanca at 92 pamilya sa Brgy. Tetuan.
Sa Philippine Tuberculosis Society sa Zamboanga City ay kinakanlong naman ang 91 pamilya, 3,600 sa Brgy. Baliwaran, 90 evacuees sa Brgy. Putik at 169 na pamilya sa West Central.
Sa Brgy. Tomaga naman ay aabot sa 600 indibidwal, 60 evacuees sa DENR office at 30 indibidwal sa DSWD office sa Zamboanga City.
Sa kasalukuyan, binabalot pa rin ng tensiyon ang mga residente ng lungsod sa takot na mahostage ng nagrebelyong paksiyon ni Misuari sa MNLF sa pamumuno ng pamangkin nitong si Julhambri Misuari na ayaw magpaawat sa paghahasik ng karahasan. (Ulat ni Joy Cantos)