^

Probinsiya

Evacuees sa Zambo, lumobo

-
Umaabot na sa 10,240 bilang ng mga sibilyan ang nagsilikas mula sa iba’t ibang barangay sa Zamboanga City sa takot na maipit sa sagupaan ng mga sundalo at ng lumusob ritong renegade forces ni outgoing ARMM Governor Nur Misuari.

Sa isinumiteng ulat kahapon sa National Disaster Coordinating Council (NDCC), ang nasabing bilang ng mga evacuees ay kasalukuyang kinakanlong ngayon sa 12 evacuation centers na itinalaga sa lungsod ng Zamboanga.

Napag-alaman na sa Brgy. Kalarian evacuation center ay mayroong 348 evacuees, 350 namang pamilya sa Brgy. Sta. Maria, 30 sa Brgy. Pasonanca at 92 pamilya sa Brgy. Tetuan.

Sa Philippine Tuberculosis Society sa Zamboanga City ay kinakanlong naman ang 91 pamilya, 3,600 sa Brgy. Baliwaran, 90 evacuees sa Brgy. Putik at 169 na pamilya sa West Central.

Sa Brgy. Tomaga naman ay aabot sa 600 indibidwal, 60 evacuees sa DENR office at 30 indibidwal sa DSWD office sa Zamboanga City.

Sa kasalukuyan, binabalot pa rin ng tensiyon ang mga residente ng lungsod sa takot na mahostage ng nagrebelyong paksiyon ni Misuari sa MNLF sa pamumuno ng pamangkin nitong si Julhambri Misuari na ayaw magpaawat sa paghahasik ng karahasan. (Ulat ni Joy Cantos)

vuukle comment

BALIWARAN

BRGY

GOVERNOR NUR MISUARI

JOY CANTOS

JULHAMBRI MISUARI

KALARIAN

NATIONAL DISASTER COORDINATING COUNCIL

SA BRGY

SA PHILIPPINE TUBERCULOSIS SOCIETY

WEST CENTRAL

ZAMBOANGA CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with