^

Probinsiya

Pamangkin ni Misuari natiklo

-
Bumagsak sa mga operatiba ng militar ang isang pamangkin ng nagrebelyong si outgoing Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM) Governor Nur Misuari at daang mga amunisyon sa isinagawang raid sa arm cache ng naturang mga renegade forces sa Cotabato City kamakalawa.

Sa ulat na nakalap kahapon mula sa tanggapan ni Philippine Army Chief Lt. General Jaime S. de los Santos, kinilala ang naarestong pamangkin ni Misuari na si Bernabe Misuari.

Sinabi ni de los Santos na sinalakay ng magkakasanib na elemento ng 75th Infantry Battalion (IB), Task Force Sagittarius at Cotabato City PNP ang arm cache ng mga rebelde sa bahay ng isang Frisca Laraya Norala sa Notre Dame Village sa Poblacion 8 sa naturang lungsod.

Ang nasabing operasyon ay bilang tugon sa umano’y malawakang presensiya ng mga armadong grupo sa nasabing lugar na sinasabing pawang supporters ng sinuspindeng ARMM Governor at may misyong magsagawa ng serye ng karahasan bilang pagtutol sa pagsasampa ng pamahalaan ng kasong rebelyon sa pinatalsik na Muslim official.

Layunin din umano ng nasabing grupo na guluhin ang nangyayaring bilangan ng boto na sakop ng nakaraang ARMM elections sa pamumuno mismo ng naarestong pamangkin ng nagrebelyong Gobernador.

Si Misuari kasama ang mga nakumpiskang armas at amunisyon ay nasa kustodya ngayon ng Cotabato City PNP para sa kaukulang disposisyon. (Ulat ni Joy Cantos)

AUTONOMOUS REGION

BERNABE MISUARI

COTABATO CITY

FRISCA LARAYA NORALA

GENERAL JAIME S

GOVERNOR NUR MISUARI

INFANTRY BATTALION

JOY CANTOS

MUSLIM MINDANAO

NOTRE DAME VILLAGE

PHILIPPINE ARMY CHIEF LT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with