^

Probinsiya

4 katao na galing sa lamayan inambus; 2 patay

-
CAMP ELPIDIO QUIRINO, Ilocos Sur – Minalas na masawi ang dalawa sa apat na kalalakihan na nakipaglamay sa isang kaibigan matapos na sila ay tambangan ng mga hindi kilalang mga suspek habang lulan ng traysikel sa kahabaan ng highway sa Centro, Bantay sa nasabing lalawigan.

Sa ulat na tinanggap ni PNP Provincial Director, Supt. Fidel Cimatu, ang mga nasawi ay nakilalang sina George Pizarro at Bonifacio Taasin, kapwa residente ng Panay, Magsingal habang nasugatan naman sina Adronel at David Artienda, kapwa residente ng Balaleng, Bantay.

Lumalabas sa imbestigasyon, na lulan ng isang traysikel ang mga biktima matapos ang pakikipaglamay sa isang nagngangalang Cardenas nang sila ay pagbabarilin ng mga hindi pa kilalang suspek.

Hindi pa matiyak ng pulisya kung ano ang motibo sa naganap na pananambang. (Ulat ni Myds Supnad)

vuukle comment

ADRONEL

BALALENG

BONIFACIO TAASIN

CARDENAS

DAVID ARTIENDA

FIDEL CIMATU

GEORGE PIZARRO

ILOCOS SUR

LUMALABAS

MYDS SUPNAD

PROVINCIAL DIRECTOR

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with