P1.5M sa killer ng Mayor
November 27, 2001 | 12:00am
Tinatayang aabot sa halagang P1.5 milyon ang ibibigay sa sinumang makapagtuturo sa pinagkukutaan ng killer ni dating Mabitac, Laguna Mayor Bernardo "Bombet" Sayarot na inambus noong nakaraang Oktubre 2001 sa Antipolo, Rizal.
Ito ang nabatid kay bagong Mayor Apollo Aguilar base na rin sa tulong ng tinaguriang "Justice for Bombet Movement" na pangunahing nag-alok ng halaga.
Pangunahing suspek sa pag-ambus kay Sayarot at sa escort nitong sina Ganriel Fuertes at SPO2 Eduardo Senia ng Teresa, Rizal ay nakilalang si dating Brgy. Chairman Benito Moncada ng Brgy. Paagahan, Mabitac, Laguna.
Sinabi din ni Mayor Aguilar na naglaan na rin ng halagang P.3 milyon sa ulo ni Luisito San Juan at P.2 milyon para naman kay Edgar Ramos na pinaniniwalaang nagsagawa ng krimen.
Ayon sa rekord ng pulisya, si San Juan ay responsable sa pagpatay kay Atty. Clarence Agarao na dating city administrator sa Lumbang, Laguna. (Ulat ni Ed Amoroso)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 26, 2024 - 12:00am