10 kilo ng eksplosibo nadiskubre
November 27, 2001 | 12:00am
Napigilan ang tangkang pagpapasabog sa isang malaking tulay matapos na madiskubre ng militar ang sampung kilo ng homemade bomb na pinaniniwalaang itinanim ng mga rebeldeng Muslim sa Kumalarang, Zamboanga del Sur kamakalawa.
Batay sa ulat na nakarating sa Camp Aguinaldo, aksidenteng nadiskubre umano ang nasabing mga eksplosibo alas-10 ng umaga sa Picanan Bridge sa bayan ng Kumalarang.
Ang nasabing homemade bomb ay itinanim ng mga suspek sa gitnang bahagi ng tulay.
Nagkataon umano na nagsasagawa ng combat patrol sa nasabing bisinidad ang tropa ng militar nang mamataan ang mga eksplosibo.
Nakalagay sa isang malaking container ang homemade bomb na nakadikit sa isang nakasinding katol (mosquito killer) na siyang ginamit na detonating device.
Kinumpirma naman ng militar na ito ay kagagawan ng isang grupo ng mga lokal na terorista na nais maghasik ng kaguluhan. (Ulat ni Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended