Pulis timbog sa droga at pagnanakaw

PAGBILAO, Quezon – Isang tauhan ng pulisya na nakatalaga sa Narcotic Command sa Camp Crame ang iniulat na dinakip ng mga awtoridad sa kasong pagtutulak umano ng droga at pagnanakaw sa Brgy. Talipan sa bayang ito kamakalawa.

Kinilala ni P/Supt. Teodito Fajardo, chief of police ng bayang ito ang suspek na si SPO3 Agapito Acesor, 44, may asawa ng nabanggit na barangay.

Ayon kay P/Supt. Fajardo, ang pagkakadakip kay Acesor bandang alas-3 ng hapon ay bunsod nang ipinalabas na warrant of arrest nina Judge Ismael Sanchez at Judge Mario Catello ng Lucena Regional Trial Court. (Tony Sandoval)

Show comments