4 miyembro ng 'Pentagon' patay sa sagupaan
November 25, 2001 | 12:00am
Apat na kalalakihang miyembro ng notoryus na grupo ng Pentagon Kidnap-for-Ransom ang kumpirmadong napatay ng tropa ng militar, kasabay nang pagkakabawi sa dinukot na mayamang trader sa naganap na madugong engkuwentro sa Kidapawan City, Cotabato kahapon.
Kinilala ng militar ang mga napatay na kidnappers na sina Muhamidin Salik, Musa Salik, Rudy Mama at Tatah Alih, samantala, isa sa mga kidnappers na nadakip ay nakilalang si Odih Akmad na ngayon ay nasa MLang Medical Clinic dahil sa tinamong tama ng bala ng armas sa bakbakan.
Ang naisalbang negosyante ay nakilala namang si Delfin Rasonable, 45, may-ari ng Agrigate Supply na ngayon ay ginagamot sa Midway Hospital sa MLang, Cotabato makaraang aksidenteng masugatan sa naganap na engkuwentro.
Nabatid sa ulat ni AFP Southcom Chief Lt. Gen. Roy Cimatu, bandang alas-5 ng madaling araw nang dukutin ang biktima sa kahabaan ng Jose Abad Santos, Kidapawan City.
Dahil sa impormasyong natanggap ng mga elemento ng 39th Infantry Battalion kasama ang puwersa ng pulisya at Civilian Volunteers Organization ay hinabol nila ang mga kidnappers.
Nasukol ang mga kidnappers sa kahabaan ng Brgy. Bialong, MLang, Cotabato at dito naganap ang palitan ng putok ng magkabilang panig.
Sinamantala ni Rasonable ang pagkakataon na tumakas subalit tinamaan ng ligaw na bala sa hindi nabatid na bahagi ng katawan at nailigtas naman ng mga awtoridad.
Ayon pa sa ulat, nakatakas ang isa sa mga kidnappers nang mapag-alamang napatay at nasukol ang kanyang mga kasama.(Ulat ni Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest