Judge 'matulis' inireklamo ng imoralidad
November 24, 2001 | 12:00am
Ipinagharap ng reklamong imoralidad ang isang Cebu City Regional Trial Court Judge, matapos mapag-alaman na ito umano may ay tig-iisang anak sa dalawang babae.
Ang reklamo laban kay RTC Judge Olegario Sarmiento, ay isinampa ng isang Arsenia Monsanto sa Office of the Court Administrator ng Supreme Court.
Ang dalawang babae na may tig-iisang anak kay Judge Sarmiento ay nakilalang sina Elvie Layese at Flordelis Branzuela.
Batay sa rekord ng Office of the Civil Registrar sa Cebu City na ipinanganak umano ang anak ni Judge Sarmiento kay Branzuela noong Oktubre 28,1982 sa Miller Sanitarium and Hospital.
Pinangalanang Junaflor Branzuela Sarmiento at nakalista bilang ama nito ay si Judge Sarmiento.
Sa nasabing ring tanggapan ay nakalista rin na nanganak si Layese ng isang lalaki sa Cebu Maternity House noong Enero 3,1985 at nakalista rin bilang ama ay si Sarmiento.
Si sarmiento ay nanatiling binata sa edad nitong 50.
Dinagdag pa ni Monsanto,maliban kina Layese at Branzuela ay may dalawa pang anak umano si Sarmiento sa dalawang babae subalit hindi niya ito makumpirma dahil sa nawawala ang rekord nito sa nasabing tanggapan.
Si Sarmiento ay ikalawang judge ng RTC sa nasabing lungsod na nasampahan ng imoralidad, nauna na rito ang isang Ferdinand J. Marcos ang sinibak ng SC dahil sa pagkakaroon ng kabit.
Ang asawa nitong si Rotilla,ang nagsampa ng kaso laban sa kanya. (Fred P. Languido)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
By Cristina Timbang | 2 hours ago
By Doris Franche-Borja | 2 hours ago
By Cristina Timbang | 2 hours ago
Recommended