6 durugista makukulong ng anim na buwan
November 23, 2001 | 12:00am
CEBU CITY Anim na kalalakihan na napatunayang nakumpiskahan at nagpapakalat ng ipinagbabawal na droga sa kanilang lugar ang hinatulan ng korte ng anim na buwang pagkabilanggo.
Sa ipinalabas na desisyon ni Cebu City Regional Trial Court (RTC) Judge Fortunato de Gracia, Jr., pinatawan ng hatol sina Galfred Boquecosa, Bryan Sabijon, Bienvenido Macaraig, Arnold Casilac, Benedict Cal at Genovivo Dacalos.
Ayon sa isinumiteng ulat ng pulisya sa korte, si Cal ay nasakote noong Oktubre 3, samantala, sina Boquecosa at Sabijon ay nadakip ng pulisya noong Oktubre 6 na may dalang aluminum foil at shabu na pinalalagay na ibebenta.
Sina Macaraig at Casilac ay nakumpiskahan ng ipinagbabawal na droga habang si Dacalos naman na pinatawan ng karagdagang anim na buwang pagkabilanggo ay maaktuhang nagbebenta ng shabu sa isang pulis na nagpanggap na pusher buyer sa isinagawang drug bust.
Kasunod nito, nadakip naman ng Carbon PNP si Glenn Gerat, 26, ng Sitio Bato, Brgy. Ermita makaraang makumpiskahan ng 23 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P31,500, hindi nabatid na bilang na bala para sa kalibre 38 baril, drug paraphernalia at isang electronic weighing scale.
Sinabi ni Carbon PNP Deputy Station Chief Allan Damole, si Gerat ay isinailalim sa isang linggong pagtitiktik at ang nakumpiskang droga sa kanya ay mula sa isang Muslim.
Pinabulaanan naman ito ni Gerat at nagsabing siya ay isa lamang users subalit nakumpiska sa kanya ang cellophane packets na ginagamit sa repacking ng shabu. (Ulat nina Joeberth M. Ocao at Cristina C. Birondo)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended