^

Probinsiya

8 tiklo sa bigong bank robbery

-
Walong kalalakihang notoryus na miyembro ng bank robbery gang kabilang ang isang tiwaling Army Sgt. ang naaresto ng mga awtoridad matapos ang bigong pagnanakaw sa isang sangay ng Philippine National Bank (PNB) sa lalawigan ng Cagayan kamakalawa.

Ang nadakip na sundalo ay nakilalang si Sgt. Ceferino Morales, aktibong miyembro ng 17th Infantry Battalion (IB) ng Philippine Army na nakabase sa Benguet, Abra at residente ng Kamias St., San Miguel, Tuguegarao City.

Nakilala naman ang iba pa nitong kasamahan na sina Ronald Orpilla, Eduardo Quiban, Nick Bautista, Jaime Bautista, Romulo Auingan, Nelson Hidalgo at Richard Mecate.

Nasamsam mula sa pag-iingat ng mga ito ang dalawang armalite rifle, apat na caliber .45 pistol, isang .38 caliber revolver, iba’t ibang amunisyon at dalawang get-away na sasakyan na kinabibilangan ng isang Honda Civic (WCY-364) at Nissan Sentra (UPK-578).

Batay sa isinumiteng ulat ni Cagayan Provincial Police Office (PPO) Director, Supt. Ricardo Padilla kay PNP Chief Director General Leandro Mendoza, naganap ang tangkang panloloob ng mga ito sa PNB branch sa bayan ng Lailo dakong ala-6:30 ng gabi.

Natunugan naman ng mga suspek ang pagmamanman laban sa kanila ng mga empleyado ng bangko kung kaya tumakas ang mga ito gamit ang kanilang get-away na sasakyan ngunit nakorner din ng mga nagrespondeng awtoridad sa bisinidad ng Llaro, Aparri. (Ulat ni Joy Cantos)

ARMY SGT

CAGAYAN PROVINCIAL POLICE OFFICE

CEFERINO MORALES

CHIEF DIRECTOR GENERAL LEANDRO MENDOZA

EDUARDO QUIBAN

HONDA CIVIC

INFANTRY BATTALION

JAIME BAUTISTA

JOY CANTOS

KAMIAS ST.

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with