2 estudyante ni-rape ng 4 adik

JUBAN, Sorsogon – Dalawang kabataang estudyanteng babae ang iniulat na halinhinang ginahasa ng apat na kabataang lalaki matapos na painumin ng ecstacy tablets at pasinghutin ng shabu sa Brgy. Lungib sa bayang ito kamakalawa.

Ang mga biktima na luhaang dumulog sa himpilan ng pulisya ay itinago sa mga pangalang Ana, 18 at Lorna, 16, ng nabanggit na barangay, samantala, isa sa mga suspek ay nakilalang si Reynaldo Grojor habang ang tatlo pang iba ay kasalukuyang tinutugis ng mga awtoridad.

Ayon sa ulat ng pulisya, inanyayahan umano ng mga suspek ang dalawang biktima sa bahay ng isang alyas Angel Sarmiento saka isinagawa ang krimen bandang-3 ng hapon. (Ulat ni Ed Casulla)

Show comments