Guro dedo sa pananambang

NAIC, Cavite – Isang teacher mula sa elementary school ang pinagbabaril hanggang sa mapatay ng mga hindi kilalang armadong kalalakihan habang ang biktima ay naglalakad papauwi sa kahabaan ng Brgy. Sabang ng bayang ito kahapon ng madaling araw.

Kinilala ng pulisya ang biktima na si Joselito Aniniolas ng Timalan Elem. School at residente ng Brgy. Ibayo Istacion ng nabanggit na bayan.

Sa pagsisiyasat ni PO2 Marcelo Bersamina, may hawak ng kaso, natagpuan ang bangkay ng biktima dakong alas-6 ng umaga na pinalalagay na pinatay bandang alas-3:30 ng madaling araw dahil sa ilang residente ang nakarinig ng sunod-sunod na putok sa naturang lugar. (Ulat ni Cristina Go-Timbang )

Show comments