Archbishop inakusahang tumatanggap ng jueteng
November 21, 2001 | 12:00am
TUGUEGARAO CITY Inakusahan noong nakaraang linggo ni Cagayan Rep. Manuel Mamba si Tuguegarao Archbishop Diosdado Talamayan na tumanggap ng regalo mula sa sugal na jueteng partikular na ang kasalukuyang ginagamit na kulay puting Pajero van.
Base sa sinabi ni Mamba, ang impormasyon ay mula sa kanyang mapagkakatiwalaang source na ang kasalukuyan umanong luxury vehicle na ginagamit para sa mga opisyal na lakad ni Archbishop Talamayan ay nagmula sa lokal jueteng operator na si Ben "Anchong" de Guzman.
Ayon pa kay Rep. Mamba na ang anak na babae ni De Guzman ay asawa ng isang alyas Jojo Lara na first-degree nephew ni Gov. Edgar Lara.
Subalit hindi naman sinabi o kinumpirma ni Mamba na may kinalaman si Gov. Lara sa operasyon ng jueteng sa nabanggit na lalawigan.
Gayunman, sinabi ni Mamba na talamak na ang operasyon ng jueteng sa tatlong distrito kabilang na ang kanyang nasasakupang lugar at ang dalawa pa na sakop nina Rep. Jack Enrile (1st district) at Rep. Celia Layus (2nd district).
Sinabi pa ni Mamba na ang kanyang mapagkakatiwalaang source ang magpapatunay na ang itinayong restrooms sa Piat Shrine sa Cagayan na nagkakahalaga ng P100,000 at idineklara ni Pope John Paul II na isa sa worlds basilica minore noong 1999 ay ginastusan umano ng grupo ni Anchong.
Pinabulaanan naman kamakalawa ni Talamayan ang akusasyon ni Mamba na ang ginagamit niyang Pajero van ay mula sa jueteng bagkus ito ay donasyon ng German government may ilang taon na ang nakalilipas.
Hindi naman kaagad masagot ni Talamayan ang akusasyon ni Mamba tungkol sa isyu ng rest rooms sa Piat Shrine na ngayon ay nasa Abra kasama ang ilang taga-Northern Luzon bishops. (Ulat ni Charlie Lagasca)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest