^

Probinsiya

Sulyap Balita

-
Binata itinumba sa sabungan
TIAONG, Quezon – Isang 21-anyos na lalaki na pinaniniwalaang mahilig sa sabong ang binaril at napatay ng hindi kilalang lalaki habang nakikipag-usap sa sariling ama sa harapan ng Castillo Cockpit Arena (CCA) sa Brgy. Lalig sa bayang ito kamakalawa.

Kinilala ng pulisya ang biktima na si Rexon Soriano, binata ng nabanggit na barangay.

Bandang alas-2 ng hapon nang isagawa ang krimen saka tumakas ang killer sakay ng motorsiklo patungong, Candelaria, Quezon.

May palagay ang pulisya na may kaugnayan ang naganap na krimen sa pustahan sa sabong. (Ulat nina Tony Sandoval/Celine Tutor)
16 kilo ng shabu nadiskubre sa karagatan ng Zambales
IBA, Zambales – Aaabot sa 16 kilo ng shabu na pinaniniwalaang kasama sa nakumpiskang 334 kilo noong nakaraang linggo ang nadiskubre ng PNP Narcotic Groups at mga tauhan ng Masinloc PNP na nakalagay sa sakong plastic at nakalutang sa karagatang sakop ng Brgy. Bani, Masinloc noong Sabado ng hapon.

Natagpuan ang 16 kilong shabu bandang alas-5 ng hapon ng mga nagpapatrolyang mga awtoridad sa nabanggit na karagatan at tinatayang may halagang P32 milyon kapag naibenta sa mga naglipanang drug pushers. (Ulat ni Erickson Lovino)
Pulis pinatay sa rambulan
CAMP VICENTE LIM, Laguna – Dahil sa namagitan sa naganap na rambol ng magkalabang grupo ng kabataan ay naging ugat ng kamatayan ang isang tauhan ng pulisya makaraang barilin ng isa sa grupo nang nagrarambulan sa Brgy. San Pioquinto, Malvar, Batangas kahapon.

Hindi na umabot pa ng buhay sa Mercado General Hospital ang biktimang si SPO1 Danilo Macandili, 45, may asawa ng Malvar police station.

Samantala, ang suspek na ngayon ay tinutugis ng pulisya ay nakilalang si Rolando Santiago, Jr. na itinuturong bumaril sa biktima na naganap bandang alas-11:30 ng umaga.

Sa inisyal na pagsisiyasat ng pulisya, sakay ng kanyang owner type jeep ang biktima nang magawi sa nagrarambulang magkalabang grupo at tinangkang mamagitan subalit pinaputukan ng suspek. (Ulat ni Ed Amoroso)
Mag-ama grabe sa pananaksak ng ‘baliw’
TABACO CITY – Nasa kritikal na kondisyon ngayon ang mag-ama makaraang mapagtripang pagsasaksakin ng isang lalaki na umano’y baliw habang nakasakay sa loob ng pampasaherong jeep na nakaparada sa terminal sa naturang lungsod kahapon ng umaga.

Ang mag-amang biktima na mabilis namang isinugod sa Ziga Memorial District Hospital ay kinilalang sina Domingo Cas, 60 at anak na si Elena Cas, 29, dalaga ng Crossing Mayon ng nabanggit na lugar.

Samantala, ang suspek na mabilis namang nadakip ng pulisya ay nakilalang si Miguel Boringot Jr., 25, binata ng nabanggit na lungsod.

Base sa ulat ng pulisya, naganap ang krimen dakong alas-8:15 ng umaga sa jeep terminal ng Tabaco City. (Ulat ni Ed Casulla)

BRGY

CASTILLO COCKPIT ARENA

CELINE TUTOR

CENTER

CROSSING MAYON

DANILO MACANDILI

DOMINGO CAS

ULAT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with