Mister na dumalo ng graduation day tinodas
November 20, 2001 | 12:00am
TANZA, Cavite Isang miyembro ng Couples for Chirst ang iniulat na binaril at napatay ng hindi kilalang lalaki habang dumadalo ng graduation day sa loob ng chapel sa Belvedere Subd., Brgy. Paradahan 1 ng bayang ito kamakalawa.
Ang biktima na dead-on-the-spot dahil sa tinamong tama ng bala ng baril sa tenga ay kinilalang si Joey Rocacorba, 31, may asawa ng phase 1 ng nabanggit na subdivision.
Napag-alaman pa na si Rocacorba ay tauhan ng Metro Manila Development Authority (MMDA) at may planong kumandidatong presidente ng home-owners association sa naturang lugar.
Sa inisyal na pagsisiyasat ni PO3 Celino Javier na isinumite kay P/Supt. Romeo Caringal, hepe ng pulisya sa bayang ito, naganap ang pangyayari bandang alas-7:30 ng gabi habang ang biktima ay nasa loob ng chapel.
Ayon pa sa ulat ng pulisya, nakatayo pa ang biktima sa isa sa mga upuan sa loob ng nabanggit na lugar nang lapitan ng nag-iisang hindi kilalang lalaki na naka-suot ng camouflage na pantalon at may takip sa mukha.
Hindi inaksaya ng killer na makakilos pa ang biktima at pinaputukan sa tenga na ikinasawi nito. (Ulat nina Cristina Go-Timbang/Mading Sarmiento)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended