Jeepney driver tinigok ng 4 pasahero

CANDELARIA , Quezon – Pinagtulungang barilin at saksakin hanggang sa mapatay ang isang driber ng apat na hindi kilalang kalalakihan na nagpanggap na mga pasahero habang ang biktima ay nagmamaneho ng pampasaherong jeep sa kahabaan ng Maharlika Highway sa Brgy. Sta. Catalina Norte sa bayang ito kamakalawa.

Ang biktima na nagtamo ng maraming tama ng bala ng baril at saksak ng patalim sa katawan ay nakilalang si Antonio Agbuya, 42, may asawa ng Poblacion, samantala, ang mga suspek ay tumakas sakay ng isang tricycle patungong Brgy. San Andres.

Inaalam pa ng pulisya kung ano ang motibo ng krimen na naganap dakong alas-4 ng hapon sa loob ng jeep (PKD-825) na minamaneho ng biktima. (Ulat ni Tony Sandoval)

Show comments