Bangkay ng ‘drug pusher’natagpuan sa kubo

IMUS, Cavite – Isang bangkay ng 39-anyos na babae na binistay ng bala ng baril ang natagpuan sa loob ng kubo na pag-aari ni Isagani Servida sa Brgy. Anabu 2-F kamakalawa.

Kinilala ng pulisya ang biktima na si Rosalinda Anarna, may asawa, ng Brgy. Pulong Bunga, Silang, Cavite.

Sa inisyal na pagsisiyasat ng pulisya, natagpuan ang binistay na katawan ng biktima dakong alas-2:45 ng hapon na pinalalagay na may kaugnayan sa droga ang krimen dahil sa kilalang nagtutulak ng droga si Anarna sa nabanggit na barangay. (Ulat ni Cristina Go-Timbang)

Show comments