^

Probinsiya

Witness sa murder ng mayor tinodas

-
KAMPO HEN. ALEJO SANTOS, Bulacan – Isang dating bodyguard ng Mayor na inambus mula sa bayan ng Doña Remedios Trinidad na pinaniniwalaang witness sa krimen ang iniulat na pinagtulungan saksakin hanggang sa mapatay ng mga hindi kilalang kalalakihan habang ang biktima ay natutulog sa kanyang bahay sa Brgy. Lapnit, San Ildefonso ng nabanggit na lugar.

Kinilala ng pulisya ang biktima na si Alfredo Garcia, 37, may asawa ng Angat, Bulacan at kasalukuyang security aide ni Mayor Evelyn Paulino, asawa ng pinatay na alkalde na si Esteban Paulino.

Base sa inisyal na ulat na isinumite kay Bulacan PNP Provincial Director P/Sr. Supt. Edgar Acuña, naganap ang pamamaslang bandang alas-10:30 ng gabi matapos na pasukin sa bahay ang biktima ng mga hindi kilalang lalaki.

Ayon sa ulat ng pulisya, si Garcia ang witness sa inambus at napatay sa Mayor noong Disyembre 4, 2000 sa kahabaan ng Brgy. Baybay, Angat, Bulacan na ikinasawi rin ng driber na si Bebong Venturina at escort na si PO1 Teofilo Abellaloza. (Ulat ni Efren Alcantara)

vuukle comment

ALFREDO GARCIA

ANGAT

BEBONG VENTURINA

BRGY

BULACAN

EDGAR ACU

EFREN ALCANTARA

ESTEBAN PAULINO

MAYOR EVELYN PAULINO

PROVINCIAL DIRECTOR P

REMEDIOS TRINIDAD

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with