Judge inireklamo sa SC
November 19, 2001 | 12:00am
Nasa "hot water" ngayon ang isang hukom matapos itong sampahan ng kasong administratibo sa Supreme Court dahil sa umanoy pagpapalaya nito sa isang rape suspect na naganap sa lalawigan ng Cavite.
Kinilala ang inireklamong hukom na si Judge Dolores Espanol, ng Branch 90, Dasmariñas Regional Trial Court at tinaguriang "judge bitay" sa nabanggit na lalawigan.
Samantala, ang nagharap ng reklamo ay nakilalang si Yolanda de Ramon, may sapat na gulang, ng Phase 2, Zone 1, Block 30, Lot 5, Mabuhay Homes 200, Barangay Paliparan 2 ng bayang nabanggit.
Sa 11-pahinang reklamo na isinumite sa Supreme Court, nakasaad dito na pinairal umano ni Espanol ang "ignorance of the law", matapos nitong palayain si Tirso dela Cruz, may kasong 12 counts of rape noong Oktubre 24, 2001.
Nakasaad pa rin sa reklamo ni de Ramon na hindi umano makatarungan ang naging desisyon ni Espanol kayat nagharap sila ng kaso laban dito. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended