5 naaresto sa shabu session
November 18, 2001 | 12:00am
LUCENA CITY Lima katao kabilang na ang isang dating miyembro ng PNP ang dinakip ng mga awtoridad makaraang maaktuhang nagsa-shabu session sa Brgy. Ilayang Iyam sa lungsod na ito kamakalawa ng hapon.
Kinilala ng pulisya ang mga nadakip na suspek na sina Nicandro Pedro, 41, dating pulis na nakatalaga sa Quezon PNP command; Danilo Alvarez; Juanito Pedernal, Edgardo Villa at Jonathan Portes na pawang mga residente ng nabanggit na barangay.
Ayon sa inisyal na pagsisiyasat ni SPO3 Marcelino Uy, may hawak ng kaso, nakatanggap ang kanilang himpilan ng impormasyon tungkol sa nagaganap na shabu session ng mga suspek.
Kaagad naman nagsagawa ng operasyon ang Lucena Drug Enforcement Unit sa pamumuno ni SPO3 Joe Foster at sinalakay ang bahay ni Pedro dakong ala-1 ng hapon.
Hindi na nakuhang makapalag ng mga suspek dahil sa naaktuhang sumisinghot ng shabu sa aluminum foil kasabay nang pagkakakumpiska sa mga drug paraphernalia. (Ulat ni Tony Sandoval)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest