Shabu na nasabat sa Zambales kulang pa
November 17, 2001 | 12:00am
CAMP GEN. OSCAR FLOREINDO, La Union Sinusuyod na ng mga awtoridad ang mga karagatan ng Zambales at Pangasinan dahil umanoy isang toneladang shabu ang ibinagsak dito at umanoy ikatlong bahagi lamang ang nasabat na 334 kilo.
Sinabi ni Sr/Supt. Fredie Buenconsejo, hepe ng Police Community Relations ng Region I na aabot ng isang toneladang shabu ang ipupuslit sana ng mga drug syndicates kung hindi nasabat ng mga awtoridad ang nasabing kilo ng shabu na nagkakahalaga ng P668M at naaresto ang tatlong Chinese nationals na sina Henry Tan, Edwin Hong Chua at Cai Hong See.
Ngunit sinabi ni Buenconsejo, kung hindi man naipuslit ng mga iba pang miyembro ng drug syndicates ay malamang na ito ay nasa gitna ng karagatan at nag-aantabay lamang kung paano makakalusot sa mga awtoridad. (Ulat ni Myds Supnad)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended