^

Probinsiya

Military operations tuloy kahit may Ramadan

-
Magpapatuloy ang pinaigting na operasyon ng militar laban sa grupo ng mga bandidong Abu Sayyaf sa lalawigan ng Sulu at Basilan sukdulang abutin pa ng paggunita sa banal na panahon ng Ramadan ng mga Muslim.

Ito ang mariing inihayag kahapon ni Acting Defense Secretary Edgardo Batenga bilang sagot sa kahilingan ng Office of the Muslim Affairs na magdeklara ang gobyerno ng ceasefire sa panahon ng Ramadan na nag-umpisa kahapon na tatagal hanggang Disyembre 15 ng taong ito.

Ayon kay Batenga, isang buwan ang itatagal ng banal na pagtitika ng lipi ng mga Muslim kung saan mayroong posibilidad na samantalahin ito ng mga bandidong Abu Sayyaf para magpalakas ng puwersa at makapaghasik pang muli ng karahasan ang grupong ito na hindi miminsang lumabag sa itinatadhana ng relihiyon nilang Islam.

Idinagdag pa ng opisyal na tukoy na ng mga pinagsanib na puwersa ng militar at pulisya ang lugar na kinikilusan ng mga bandido kayat masasayang lamang ang opensiba kung magkakaroon ng pagtigil sa operasyon.

Maging si Sayyaf Spokesman Aldam Tiglao alyas Abu Sabaya ay humiling sa militar na itigil ang operation subalit binalewala ito ni AFP Southcom Chief Lt. Gen. Roy Cimatu dahilan sa matagal ng karanasan sa katrayduran ng mga bandido. (Ulat ni Joy Cantos)

vuukle comment

ABU SABAYA

ABU SAYYAF

ACTING DEFENSE SECRETARY EDGARDO BATENGA

AYON

JOY CANTOS

OFFICE OF THE MUSLIM AFFAIRS

ROY CIMATU

SAYYAF SPOKESMAN ALDAM TIGLAO

SOUTHCOM CHIEF LT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with