P.8M ari-arian tinupok ng apoy

SAN ISIDRO, Nueva Ecija – Tinatayang aabot sa P.8 milyon ari-arian ang tinupok ng apoy makaraang masunog ang dalawang palapag na commercial establishments sa Brgy. Poblacion sa bayang ito kamakalawa ng hapon.

Sa ulat na isinumite kay P/Chief Insp. Arnel Santiago, hepe ng San Isidro Police Station, ang gusaling nasunog ay pag-aari nina Joselito Saldaña at Mina Tay Mint na isang dayuhang negosyante.

Walang iniulat na nasawi sa naganap na sunog na nagsimula dakong alas-4:15 ng hapon subalit nasugatan ang isang nagngangalang Julian Saldaña. (Ulat ni Christian Ryan Sta.Ana)

Show comments