7 anyos na kinidnap ng 'Pentagon' pinalaya na
November 16, 2001 | 12:00am
Matapos ang ilang araw na pagkakabihag, pinalaya na ng Pentagon kidnap-for-ransom group ang dinukot nitong isang pitong taong gulang na kindergarten pupil sa isang lugar sa Pikit, Cotabato kamakalawa ng gabi.
Kinilala ang pinalayang kidnap victim na si Jimmy F. Yap, Jr. ng Pikit Central Elementary School.
Ang bata ay pinawalan ng kaniyang mga abductors matapos na makipagtulungan sa negosasyon ang liderato ng MILF.
Batay sa ulat na nakarating kahapon sa tanggapan ng Camp Crame at Camp Aguinaldo, nabatid na inabandona ng kanyang mga hindi nakilalang kidnappers ang bata sa harapan ng gate ng bahay nito dakong alas-10:30 kamakalawa ng gabi sa Pikit, Cotabato.
Inihayag naman ni 6th ID Spokesman Major Julieto Ando na walang ibinayad na ransom ang pamilya Yap.
Maliban sa MILF ay tumulong din umano sa negosasyon sina Pikit Mayor Bai Farida Unggie Malingco, asawa nitong dating alkalde rin ng nasabing bayan na si ex-Mayor Mutin Malingco at P/Supt. Ruben P. Abapo, Acting Provincial Police Chief. (Ulat ni Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest