Banggaan ng 2 trak, kapwa driber patay

CAPAS, Tarlac – Dalawang lalaki na pawang mga driber ang iniulat nasawi makaraang magsalpukan ang kanilang minamanehong trak sa kahabaan ng highway ng distrito ng Capas kamakalawa.

Kinilala ng pulisya ang mga nasawing biktima na sina Edgar Ramos, 31, ng Brgy. Balite Tarlac at Joel Acibar, 29, ng Brgy. Buhagin, Sta. Maria, Bulacan.

Base sa ulat ng pulisya, naganap ang pangyayari dakong alas-11 ng gabi matapos na magsalpukan ang minamanehong trak ni Ramos na Int’l tractor (PUN-858) at ang Isuzu cargo trak (PXM-296) na minamaneho naman ni Acibar. (Ulat ni Brian Onofre)

Show comments