5 NPA na nanunog ng cell sites napatay
November 15, 2001 | 12:00am
Limang miyembro ng rebeldeng New Peoples Army (NPA) kabilang ang Commander na responsable sa pagsunog sa Smart cell site sa Muñoz, Nueva Ecija kamakailan ang napaslang sa pakikipag-engkuwentro sa mga operatiba ng militar matapos na magpang-abot ang magkabilang panig kahapon ng umaga sa bayan ng General Natividad.
Ang mga napaslang na rebelde na pinamumunuan ng isang Michael Macapagal alyas Kumander Rico ng Komiteng Larangang Gerilya ng Samahang Yunit Propaganda ay nagtamo ng maraming tama ng bala sa ibat ibang bahagi ng kanilang katawan.
Batay sa ulat na ipinarating kahapon ni Major Gen. Ernesto Carolina, Commanding General ng 7th Infantry Division sa Camp Aguinaldo, hindi inaasahan ang engkuwentro dakong alas-5 ng madaling-araw kahapon habang ang mga elemento ng 71st Infantry Battalion sa pangunguna ni 1Lt Cresencio Mogado ay nagsasagawa ng pagpapatrulya sa nasabing area.
Bigla na lamang umanong sumulpot ang mga rebelde at naunang nagpaputok ng baril sa mga sundalo.
Isang oras na tumagal ang sagupaan na nagresulta sa pagkamatay ng limang rebelde kabilang dito ang sinasabing lider nilang si alyas Kumander Rico.
Nakumpiska mula sa pinangyarihan ng krimen ang dalawang M16 rifles, isang M203 grenade launcher na may 22 live ammunition, 2 baby armalites, 1 rifle grenade, 1 hand grenade, ibat ibang ammunition at mga subersibong dokumento.
Samantala, isang sundalo na nakilala sa pangalang Sgt. Modesto Pablo ang nasugatan sa insidente ngunit ito ay nilalapatan na ng lunas sa General Natividad Hospital. (Ulat ni Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest