^

Probinsiya

300 toneladang armas at bala, inaabangan ng MILF rebels

-
Inakusahan kahapon ni North Cotabato Gov. Manuel Piñol ang mga rebeldeng Moro Islamic Liberation Front (MLF) na panguhaning responsable sa sunud-sunod na nagaganap na kidnap-for-ransom sa Kamindanawan.

Sinabi pa ni Piñol na kahit na nagpapatuloy ang isinasagawang peace talks sa pagitan ng pamahalaan at pamunuan ng MILF ay nagsasagawa naman ang mga rebelde ng kidnapping at ang nakukuhang pera bilang ransom ay ipinambibili ng malalakas na armas.

"Nakatanggap kami ng ulat na ang pera na ibinayad ng pamilya ng mga biktima sa kidnapping ay ibinili ng 90 mm Recoilless Rifles; tatlong .50 caliber machine guns; Rifles Propelled Grenade (RPG); grenade launchers at iba pang malakas na armas," dagdag pa ni Piñol.

Nabatid pa kay Piñol na pinakalat na ng mga opisyal ng rebeldeng MILF ang kanilang arms procurement agents sa iba’t ibang bahagi ng Mindanao at naghihintay na lamang na dumating ang may 300 toneda ng armas at bala mula sa ibang bansa. (Ulat ni Perseus Echeminada)

INAKUSAHAN

KAMINDANAWAN

MANUEL PI

MINDANAO

MORO ISLAMIC LIBERATION FRONT

NABATID

NORTH COTABATO GOV

PERSEUS ECHEMINADA

RECOILLESS RIFLES

RIFLES PROPELLED GRENADE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with