Mukha ni Jesus namataan sa barangay hall
November 14, 2001 | 12:00am
MABALACAT, Pampanga Isa na namang kababalaghan o katotohanan ang naganap na pangyayari sa isang barangay sa nabanggit na bayan matapos na magpakita sa mga residente ang umanoy imahe ng mukha ni Jesus Christ sa tagiliran ng konkretong pader na walang pintura.
Patuloy na dumadagsa sa kasalukuyan ang mga residente mula sa ibat ibang brgy. upang saksihan ang nagpakitang imahe ng mukha ni Jesus Christ sa Brgy. Mawaque Maragul bandang alas-10 ng gabi noong Huwebes.
Si Brgy. Captain Quirico Arceo, na isa sa unang nakasaksi kung papaano lumitaw ang imahe ng mukha ni Jesus Christ ay nagsabing namataan niya ang isang malinawag na sikat ng bituin na tumama sa naturang pader ng brgy. hall.
Dagdag pa ni Arceo na may sukat na apat na talampakan ang haba at tatlong talampakan naman ang laki ng nabanggit na Holy Face.
"Nasaksihan din ito ng mga residente sa resettlement community na biktima ng lahar bandang alas-9:30 ng gabi," ani Arceo.
Makalipas ang may 30 minuto, sina brgy. tanods Zaide Quiazon, Roberto Tayag at John Sison na kasalukuyang nakaupo sa labas ng nabanggit na brgy. hall ay namataan ang liwanag na gumagalaw at biglang lumabas ang Holy Face ni Jesus sa pader na walang pintura.
Ang dating pinaglalagyan ng gas stove ay pinalitan na ng mga kandila at bulaklak na ibinibigay ng mga panatiko mula sa ibat ibang lalawigan.
Permanente na ring nilagyan ng kuwadro na may sukat na 12 feet long at 10 feet wide ang kinakitaan ng Holy Face ni Jesus at nagtayo na rin ng Brgy. Chapel sa pangalan ni St. Therese ng Lisieux. (Ulat ni Ding Cervantes)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest