^

Probinsiya

Pintor tinodas ng 4 katao sa masamang titig

-
NOVELETA, Cavite – Dahil sa masamang tingin ay naging ugat ng kamatayan ng isang 36-anyos na pintor makaraang pagtulungang gulpihin at saksakin ng apat na kalalakihan sa Brgy. Magdiwang ng bayang ito kahapon ng madaling araw.

Hindi na umabot pa ng buhay sa pinagdalhang ospital ang biktimang si Ronald de Guzman, binata ng Countryside Subd., Brgy. San Rafael 2 ng naturang lugar.

Samantala, ang mga suspek na ngayon ay nakakulong ay nakilalang sina Joan Villarente, 18; Sonny Fajorje, 28; Gaudencio Dianson, 25 at Jeoffrey Sumpang, 27 na pawang mga residente ng Brgy. San Juan 1, Gen. Trias, Cavite.

Ang biktima ay kasalukuyang umiinom ng alak sa loob ng isang videoke bar at sa hindi inaasahang pagkakataon ay napatitig ito sa mga suspek na ikinasama naman ng mga ito.

Ayon sa imbestigasyon ni PO3 Meynard Genuino, may hawak ng kaso, dahil sa pangyayari ay kaagad naman lumabas ang biktima at sumakay nang bus subalit sinabayan ito ng mga suspek bandang alas-12:30 ng madaling araw at doon naganap ang krimen. (Ulat ni Cristina Go-Timbang)

BRGY

CAVITE

COUNTRYSIDE SUBD

CRISTINA GO-TIMBANG

GAUDENCIO DIANSON

JEOFFREY SUMPANG

JOAN VILLARENTE

MEYNARD GENUINO

SAN JUAN

SAN RAFAEL

SONNY FAJORJE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with