^

Probinsiya

Mag-asawa timbog sa drug bust

-
ATIMONAN, Quezon – Isang mag-asawa na pinaniniwalaang nagpapakalat nang ipinagbabawal na gamot ang inaresto ng mga elemento ng Quezon PNP Intelligence and Investigation Division sa isinagawang drug bust operation sa Riverside Zone 4 sa bayang ito kamakalawa ng hapon.

Kinilala ni P/Supt. Eduardo Samoco, hepe ng pulisya sa bayang ito ang mga dinakip na sina Alejandro Eroles, 30 at ang asawa nitong si Analiza, 33 na kapwa residente ng nabanggit na lugar.

Dahil sa kumalat ang balita na ang mag-asawa ay responsable sa pagpapakalat ng droga sa kanilang barangay ay nagsagawa ang pagtitiktik ang pulisya.

Ayon sa ulat ng pulisya, isinagawa ang buy bust operation sa bahay ng mga suspek bandang alas-2 ng hapon sa pamumuno ni P/Supt. Rueben Theodore Sindac.

Nakumpiska mula sa mag-asawang ‘tulak’ ang hindi nabatid na bilang ng plastic sachet ng shabu at kasalukuyan pang inaalam ng pulisya ang pinagmumulan ng droga na ibinebenta sa mga estudyante. (Ulat ni Tony Sandoval)

vuukle comment

ALEJANDRO EROLES

ANALIZA

AYON

DAHIL

EDUARDO SAMOCO

INTELLIGENCE AND INVESTIGATION DIVISION

QUEZON

RIVERSIDE ZONE

RUEBEN THEODORE SINDAC

TONY SANDOVAL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with