P.5M ibinigay ng WHO sa Camiguin flashflood victims
November 13, 2001 | 12:00am
Nangangailangan ng maraming "body bags" ang mga rescue workers na nagsasagawa ng retrival operation sa mga bangkay na kasalukuyang pang pinaghahanap sa naapektuhan ng flashflood sa bayan ng Mahinog, Camiguin island.
Nabatid kay Health Sec. Manuel Dayrit na may 270 katao ang namatay subalit aabot lamang sa 132 bangkay ang kasalukuyang nakukuha mula sa natabunang nabuwal na puno at putik.
"May posibilidad na magkaroon ng communicable diseases kaya pinaghahandaan ng mga personnel ng health office ang pagkalat nito," dagdag pa ni Dayrit.
Kasunod nito, nagbigay naman ng tulong ang World Health Organization (WHO) ng halagang P.5 milyon para sa gamot, pagkain at iba pang supply na kakailanganin ng mga naapektuhang pamilya ng bagyong "Nanang" noong nakaraang linggo. (Ulat ni Andi Garcia)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended