8 mangingisda nawawala sa karagatan ng Zambales
November 12, 2001 | 12:00am
STA. CRUZ, Zambales May walong kalalakihang mangingisda ang iniulat na nawawala sa karagatang sakop ng Zambales noong kasagsagan ng bagyong Nanang.
Ang mga biktimang hanggang ngayon ay hindi nakababalik ng kanilang bahay ay nakilalang sina Rodolfo Tacdag, 40; Danilo Alvarez, 34; Magno Orgando, 46; John Antigo, 35; Alfredo Orgando, 37; Cesto Kuno-Kuno at dalawa pang hindi nabatid ang mga pangalan na pawang mga residente ng Brgy. Lipay ng bayang ito.
Sa impormasyon nakalap ng pulisya, ang walong mangingisda ay pumalaot sa nabanggit na karagatan noong nakaraang Linggo ng madaling araw subalit sa hindi inaasahang pagkakataon ay inabutan ng bagyo.
Natagpuan ang bangkang sinakyan ng mga biktima malapit sa Scarborough Shoal na pinaniniwalaang naipadpad ng malakas na alon subalit walang natagpuang mga bangkay at palatandaan na buhay pa ang mga biktima. (Ulat ni Erickson Lovino)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended