Kaugnay nito, inatasan ni NFA Administrator Tony Abad ang mga tauhan sa Visayas at Northern Mindanao na naapektuhan ng bagyo na makipag-ugnayan sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) upang tingnan kung gaano pa kalaki ang pangangailangan sa pagkaing bigas ng mga nabiktima ni Nanang.
Partikular na nabiyayaan ng libreng bigas ang mga residente sa Camiguin island na dumanas ng flashflood dulot ng nasabing bagyo.
Kaugnay nito, nagbuo ng isang disaster preparedness program ang NFA kasama ang DSWD, LGUs at Philippine National Red Cross (PNRC) para ayudahan ang mga napinsala ng bagyo. (Ulat ni Angie dela Cruz)